Zack Tabudlo – Pero Lyrics

Pop

Naalala mo pa ba
No'ng sinabi ko sa 'yo
Ikaw lang, nag-iisa?
Wala naman tal'gang iba

Lahat ng pinangako ko
Andito lang sa aking puso
Hinding-hindi mawawala
Ikaw lang naman talaga

Alam ko ikinagagalit mo
Pero hindi ko na matatago, oh
'Di ko na kayang tiisin
Gusto man kitang kapiling

Mahal kita
Pero walang magawa
'Di naman ako magpapalaro
Sa walang-hiyang pag-ibig na 'to

Walang iba, oh-oh
Parang 'di mo alam
'Di ko gagawin 'yun sa 'yo
Pero pipiliin ko muna sarili ko

Oh, oh, yeah, yeah

Ang iyong mga halik
Markado sa aking labi
'Di ko rin naman matiis
Na maiyak 'pag nami-miss

Sigurado naman ako
Sa nilalaman ng puso ko
Pero ayaw ng mundo
Ano'ng gagawin ko?

Alam ko namang 'kinagalit mo
Pero 'di ko na matatago
'Di ko na kayang tiisin
Gusto man kitang kapiling

Mahal kita
Pero walang magawa (yeah, baby, yeah)
'Di naman ako magpapalaro
Sa walang-hiyang pag-ibig na 'to (walang-hiyang pag-ibig na 'to)

Walang iba (walang iba)
Parang 'di mo alam
'Di ko gagawin 'yun sa 'yo
Pero pipiliin ko muna sarili ko

Mawala man nang tuluyan na
Pero sana tandaan mo pa
Lahat ng pinagsamahan natin
Ikaw pa rin nakatadhana sa 'kin

Mahal kita
Parang 'di mo alam
'Di naman ako magpapalaro
Sa walang-hiyang pag-ibig na 'to

Mahal kita
Alam mo 'yan
Wala namang iba
Hintayin na lang natin ang tadhana

Comments (0)