Yano – Lahat Lyrics

Rock

Lumiyab ka araw
Umiyak ka ulan
Bumagyo ka hangin
Magluksa ka buwan
Sa lahat

Silaban mo ang bawat puso ng 'yong apoy
Dalisayin ang namumuong poot at buhayin ang pag-ibig

Diligan mo ng kasiyahan sa pagtatampisaw
Ang tigang na isipang naglalagalag
Pasibulin palayaing tunay

Lumiyab ka araw
Umiyak ka ulan
Bumagyo ka hangin
Magluksa ka buwan
Sa lahat

Gibain mo ang balakid na namamagitan sa amin
Ipagsama kami sa pagsisimulan sa paraiso ng buhay
Tanglawan mo ng dalamhati ang pagdiriwang
Pumintas ka ng ngiti gumapas ka ng tuwa
Sa kamatayan at kabiguan

Lumiyab ka araw
Umiyak ka ulan
Bumagyo ka hangin
Magluksa ka buwan
Sa lahat

Sa lahat
Sa lahat
Sa lahat

Comments (0)