Mula sa pagiging basted
Niloko, binestfriend, at ginamit
Si Reginald ay isa nang superherong nagngangalang si
Hid-Man!
Ang Superherong Manhid!

Hid-Man!
Tulungan mo 'ko, Hid-Man!
Ano'ng maitutulong ko, kaibigan?
'Yung nililigawan ko, five days na 'kong 'di nirereplyan
Naka-Active Now naman
Ano'ng gagawin ko, Hid-Man?

Hmm
Ah, gano'n ba? Walang problema 'yan
Ako nga, e. Isang taon nang hindi nirereplyan
Hindi nga sineen, e!

Ang galing mo talaga, Hid-Man!
Manhid na manhid ka talaga!
Walang anuman. Paalam!

Hid-Man!
Sino ka?
Ako si Heartbreak!
Nakita ko 'yung girlfriend mo, may kasamang ibang lalaki
Magka-holding hands sila

O, e, ano naman ngayon? Saan sila nagpunta?
Papunta sila sa Recto
Ano nama'ng gagawin nila sa Recto?
E, 'di, magchecheck-in sa motel
Ano? Masakit ba?

'Wag kang magpatalo sa kaniya, Hid-Man!
Naniniwala ako sa 'yo!

Ang sakit, pero hindi dapat ako masaktan
Kailangan kong labanan ang damdamin na 'to
Dahil ako si
Hid-Man!

O, mga bata, laging tandaan
Pagdating sa pag-ibig, matuto kang indahin ang sakit
Matuto kang maging manhid, tulad ni

Hid-Man!
Ang Superherong Manhid!

Hanggang sa muli!
Paalam!

Comments (0)