'Di mo lang alam
Na 'di ko lang nakita
At naunawaan
Ang tunay na pakay mo
Sabi mo lang
"Magkakatuwaan"
Dalang dala
Sa dala mong salita
Ano bang alam ko
Sa buhay na ganito?
Ano bang alam ko
Sa edad na ganito?
Nalilinlang
Pagkat makasalanan lang rin
Ang walang muwang
Na wala naman daw patutunguhan
Ano bang alam ko
Sa buhay na ganito?
Ano bang alam ko
Sa edad na ganito?
Ano bang alam ko
Sa buhay na ganito?
Ano bang alam ko
Sa edad na ganito?
Bakas ng nagdaan
Dala hanggang katapusan
Comments (0)