Soapdish – Sana Sinabi Lyrics

Electronic

Balita ko ay mayro'n nang iba
Kaya ako'y wala na talaga
At ang sakit isipin
Na ang dali mo lang limutin

Napagod na sa aking paghihintay
Mga pangako'y 'di na rin naibigay
Pero kaya namang limutin
Mga kakulangan sa akin

Sana sinabi mo na kaagad
Para kung pwede, 'di na naglakad
Sana sinabi mo na kaagad
Para kung pwede, 'di na naglakad
Patungo sa iyong mundong gusto nang balikan
At pangakong 'di na rin iiwanan

Mga luhang natuyo na sa mukha
Mga pangarap na bigla na lamang nawala
Pasulyap-sulyap na lang sa langit
At nangangarap na ito'y maulit

Sana sinabi mo na kaagad
Para kung pwede, 'di na naglakad
Sana sinabi mo na kaagad
Para kung pwede, 'di na naglakad
Patungo sa iyong mundong gusto nang balikan
At pangakong 'di na rin iiwanan

Sana sinabi mo na kaagad
Para kung pwede, 'di na naglakad
Sana sinabi mo na kaagad
Para kung pwede, yeah
Sana sinabi, yeah
Sana sinabi, hey-yeah
Sana sinabi, hey-yeah
Sana sinabi

Comments (0)