Paraluman – Ikaw at Ako Lyrics

World

Nandito na tayo sa simula ng ating dulo
Bukas na ba talaga ang pinto?
Patungo sa malayo, sa malaya mong mundong
Inubos ang tibok ng puso

Sana sa ating paggising, kalimutan ang lahat
Unti-unting pupulutin, pirasong nagkalat
Kamay mo'y 'di bibitawan, bubuksan ang aklat
Ang kuwento ng ikaw at ako

Tayo ang sumulat
Tayo ang sumulat

Sumuko sa kahapon, nais ko lamang magtanong
Sapat na nga ba siya sa ngayon?
Umasa sa pangako, pangako na 'di maglalaho
Wala na ba talagang totoo?

Sana sa iyong paggising, kalimutan ang lahat
Unti-unting pupulutin, pirasong nagkalat
Kamay mo'y 'di bibitawan, bubuksan ang aklat
Ang kuwento ng ikaw at ako

Ikaw ang sumulat
Ikaw ang sumulat
Ikaw ang sumulat
Ikaw ang sumulat

Dahil sa aking paggising, kakalimutan ang lahat
'Di na kayang pulutin, pirasong nagkalat
Kamay mo ay bibitawan, isasara ang aklat
Ang kuwento ng ikaw at ako

Kayo ang sumulat
Kayo ang sumulat
Kayo ang sumulat
Kayo ang sumulat

Comments (0)