Mt. Lewis – 24 Lyrics

Magdamag akong naghihintay sayo
Sa mga sulat mo't tunog ng telepono
Minsan bay naiisip mo pa ba ako
Walang araw na di ka naalis sa isip ko

Paano Ako gigising magisa
Kung panaginip lang lahat ng kahapon

Kayhirap ng mawala ka
Di sanay na di kasama
Tinatangay ng ala-ala
Araw-Gabi nangungulila sa labis mong paglisan

Pinipilit kong kalimutan ang lahat
Ngunit paulit ulit lang nasasaktan
Sayo lang nahumaling
Sayo lang totoo
Sayo lang na nga nanggaling
Paglayo'y di mo gusto

Paano Ako gigising magisa
Kung panaginip lang lahat ng kahapon

Kayhirap ng mawala ka
Di sanay na di kasama
Tinatangay ng ala-ala
Araw-Gabi nangungulila sa labis mong paglisan

Paalam na aking mahal,di na tayo magkikita
Paalam na aking mahal, sana parating masaya
Paalam na aking mahal, di na tayo magkikita
Paalam na aking mahal, sana parating masaya

Comments (0)