Ilang ulit nadapa
Ayoko nang muling matisod
Iniwanan ko'ng lahat
At ako ay nakalimot
Sa dinami-rami ng
Maling daan na dinaanan
Umuulit lang nang ulit lang
Pabalik-balik lang naman
Isang linggo, isang buwan
Bumabait paminsan-minsan
Wala namang ibang alam
Kundi ang magbilang ng kulang
Sa sarili kong wala
Namang ibang patutunguhan
Umuulit lang nang ulit lang
Pabalik-balik lang naman
Paulit-ulit akong naaakit
Lumayo man ako, ika'y lumalapit
Nanunumbalik pagmamahal sa 'kin
'Di ka nagbabago
Kahit paulit-ulit lang naman ako
Minsan, hindi ko mapigilan
Bakit 'di ko makayanan
Ang umulit-ulit sa mali
Ko nang nakasanayan?
Alam ko, na alam mo 'yon
Kahit lumipas man ang panahon
Ngunit hindi ikaw gano'n
Hindi mo iniipon sa kahon
Ang pighati sa sandali
Na ako'y nagkamali
Umuulit lang nang ulit lang
Pabalik-balik lang naman
Paulit-ulit akong naaakit
Lumayo man ako, ika'y lumalapit
Nanunumbalik pagmamahal sa 'kin
'Di ka nagbabago
Kahit paulit-ulit lang naman ako
Paulit-ulit akong naaakit
Lumayo man ako, ika'y lumalapit
Nanunumbalik pagmamahal sa 'kin
'Di ka nagbabago
Paulit-ulit akong naaakit
Lumayo man ako, ika'y lumalapit
Nanunumbalik pagmamahal sa 'kin
'Di ka nagbabago
Kahit paulit-ulit lang naman ako
Pagkatapos ng lahat
Ako ngayo'y may natutunan
Ang itama ang lahat
Dahil wala kang pagkukulang
Ibinigay mo ang lahat
Kahit ako'y makasalanan
Ayoko nang umulit-ulit
Magpabalik-balik sa maling ako
Comments (0)