La Mave – Chinay Lyrics

I can make it

Yeah, gusto na kitang masilayan
Alam ko na gano'n ka din, 'wag mo nang i-deny
Singkit ang 'yong mata, ang tawag ko sa 'yo "Chinay"
Kinulayan, lumigaya simula nang makilala ka
Sinama ka sa hood at nabigla

Gan'to ang buhay ko, at dahil sa 'yo naging espesyal
Tanggal ang umay sa 'yo, tunay 'to kaya tumatagal
Napamahal sa 'yo at 'di ko matanggi
'Di na sa 'yo lumalambot 'pag ano mo dumadampi

Ikaw katerno ko, parang yosi at kape
Sa isip ika'y nando'n bukas, ngayon, at kagabi
Ika'y tumatakbo nang bente-kuwatro oras
Hinahanap ko, sa 'yo 'di ako olats

Ikaw katerno ko, parang yosi at kape
Sa isip ika'y nando'n bukas, ngayon, at kagabi
Ika'y tumatakbo nang bente-kuwatro oras
Hinahanap ko, sa 'yo 'di ako olats, mm

Ayan, dahil sa 'yo ayoko nang nag-iisa
Nagbibiro lang naman ako, beh, ba't galit ka?
Do'n sa iba ika'y iba, panis silang lahat
Hindi na para kumpara, anlayo ng agwat

Sa 'kin ika'y sapat, ayon ay dapat alam mo
Kung sa 'kin ang lahat ngunit wala ka, 'wag na 'to
Oh baby, 'wag na lang kung 'di ikaw aking kasama
Ngayon alam mo nang kung 'di ikaw, wala 'kong gana

Mahal, wala nang bagay sa mundo
Na may kayang pumantay sa mga yakap mo
At halik mong hatid na wala nang kapalit
Kung narinig mo 'to, beh, sana ay napabatid

Ikaw katerno ko, parang yosi at kape
Sa isip ika'y nando'n bukas, ngayon, at kagabi
Ika'y tumatakbo nang bente-kuwatro oras
Hinahanap ko, sa 'yo 'di ako olats

Ikaw katerno ko, parang yosi at kape
Sa isip ika'y nando'n bukas, ngayon, at kagabi
Ika'y tumatakbo nang bente-kuwatro oras
Hinahanap ko, sa 'yo 'di ako olats

I can make it

Comments (0)