Kartell'em – Donat Lyrics

Street life pa tattoo mo sa noo
Pinulot ang sarili
Hanggang sa nabuo
Nilibot libot ang kalsadang magulo
Ano po
Pasensya na sa usok na mabaho
Pampalinaw sa isip na malabo
Dahil dyan ganado
Banayad at kalmado
Kanino ba kaya ako
Pwede maka get
At biglang may lumapit
Ako'y kinalabit
Bulsang malalim
Sige lumapit sakin
Kung hanap panandaliang saya
At palawakin ang isipan makupad
Na kailangan mo ng sipain o
Kailangan pabagalin
Ang utak na hinahangin
Hindi lumalabas na
Walang proteksyon na dala
Sa kanan ang kasagutan panakot sa kaliwa
Taliwas sa tamang daanan
Hindi kayang magisa
Proyekto ng arkitektong
Tila maantala
Kami ang mga gumanap sa mga eksenang naganap
Sa eskinitang madilim
Suwail sa babyloniang sakim
Kanya kanya tayong buhay dito sa mundo
Yun din naman ang totoo
Street life pa tattoo mo sa noo
Street life pa tattoo mo sa noo
Pa tattoo mo sa noo
Pa tattoo mo sa noo
Na-alimpungatan
Na para bang akoy nasilawan
Nadampian ng dumi
Aking isipan nang makita kong mali
Ang iyong mga galawan
Ano ba-yan
Mali iyong nilakaran
Konekta ka saakin ng makita ang daanan
Paakyat na hagdan
Na para-bang sa langit ka napadaan
Kalmado katawan
Lumapag sa paliparan
Swabeng paraan
Magpapapasok sa pintuan
Tao po
May tao po ba dyan
Ako to di mo na ba natatatandaan
Yung kumukuha ng isandaan
Pst pst paget naman
Sinindihan ko na kasi
Ang huling smoke ko sa daan
Okay daw kase yung shit mo mabango
Tipong tulog kahit nakatayo
Sobrang chill yung chick di mo na nabayo
Diko naman alam sa ko mahahanap
Parang dagang sobrang mailap
Daan sa impyerno makita lang ang ulap
Hirap talaga hilahin ng tulak
Oras na oras na para siklaban
Mga cool kids na nagtipon
Parang don sa Katipunan
Handa nyo na ang alak at pulutan
Nabentahan ng piso
Kapalit limang daan
Tuloy tuloy ang bisyo
Basta ba afford yan
Maganda lang ang bigayan
Basta ba aport yan
Wala na kong pake
Kasi nga pera to ni nanay
Kapag naghulihan
Bayad lang kasi diyan ako nasanay

Comments (0)