I Belong to the Zoo – Hakbang Lyrics

Ilang beses na rin akong sumugal
Panahong hinintay, parang kay tagal
'Di makapaniwala na ika'y papalapit

Wala naman sigurong pipigil
Sa pusong walang ibang hinihiling
Kung 'di ang pagkakataong ingatan ka at mahalin

Ang tanging natitirang hihintayin
Ilang hakbang papalapit sa akin
Ganito pala'ng pakiramdam ng luhang walang dalang pasakit

Habang-buhay kong pipiliting makabawi sa 'yo
Araw-araw kitang liligawan
Maniwala ka lang na tama kang piliin ako
Oh-whoa, oh-oh

Tinanggal lahat ng mga takot
Sinagip sa mundo ng poot
Ika'y naging lilim no'ng bagyo'y dumating
At sumpang mananatili kahit pa dumilim

Alam kong 'di ko hawak ang yaman
Ng mundong ating ginagalawan
Ngunit aking sinta, pangako sa 'yo
Ang lahat ng ako ay iyo

Ang tanging natitirang hihintayin
Ilang hakbang papalapit sa akin
Ganito pala'ng pakiramdam ng luhang walang dalang pasakit

Habang-buhay kong pipiliting makabawi sa 'yo
Araw-araw kitang liligawan
Maniwala ka lang na tama kang piliin ako
Oh-whoa, oh-oh

Ang tanging natitirang hihintayin
Ilang hakbang papalapit sa akin
Ganito pala'ng pakiramdam ng luhang walang dalang pasakit

Habang-buhay kong pipiliting makabawi sa 'yo
Araw-araw kitang liligawan
Maniwala ka lang na tama kang piliin ako

Habang-buhay kong pipiliting makabawi sa 'yo
Araw-araw kitang liligawan
Maniwala ka lang na tama kang piliin ako
Oh-whoa, oh-oh

Na tama kang piliin ako
Na tama kang piliin ako

Comments (0)