Lahat ay mayroong hangganan
Walang hindi nawawala
Hindi naman maiiwasan
Hindi mapigil ang paglisan

Hangga't 'di pa tapos
Ang oras ay tumatakbo

Oh, halina at sulitin ang ating araw
Huwag matakot na mamuhay na
Merong kasayahan at iyakan
Minsan lang ito kaya, anak
Just live your world
Just live your world

Temporariyo lang ang kasayahan mo sa buhay na ito
Dibdibin ang sandali upang ito ay tumatak
Tanggapin na 'di lahat ay nasasaiyong kamay
At nang biglang huminto

Oh, halina at sulitin ang ating araw
Huwag matakot na mamuhay na
Merong kasayahan at iyakan
Minsan lang ito kaya, anak
Just live your world
Just live your world
Just live your world
Just live your world

Comments (0)