Mga gabing ikinubli
Natagpuan ang pag-ibig
Nahanap ng yakap, halik
Ang init ng pagkasabik

Limutin ang mundong pikit
Gisingin natin, malikot na isip
Posasan ang mga sakit
Itong gabi, paglaya'y sisilip

Sa kawalan
Isisigaw sa langit ang iyong pangalan
Sa kawalan
Sa impiyerno ma'y 'di masusumpungan

Saan ba 'yon madadatnan?
Walang sino mang nakakaalam
Maliban sa ating dalawa
Na sa gabing ito'y mag-iisa

Limutin ang mundong pikit
Gisingin natin, malikot na isip
Posasan ang mga sakit
Itong gabi, paglaya'y sisilip

Sa kawalan
Isisigaw sa langit ang iyong pangalan
Sa kawalan
Sa impiyerno ma'y 'di masusumpungan

Sa kawalan
Sa kawalan

Sa kawalan
Isisigaw sa langit ang iyong pangalan
Sa kawalan
Sa impiyerno ma'y 'di masusumpungan

Comments (0)