Eva Eugenio – Pandangguhan Lyrics

Pop

Manunugtog ay nangagpasimula
At nangagsayawan ang mga mutya
Sa mga padyak parang magigiba
Ang bawat tapakan ng mga bakya

Kung pagmamasdan ay nakatutuwa
Ang hinhin nila'y hindi nawawala
Tunay na hinahangaan ng madla
Ang sayaw nitong ating inang bansa

Dahil sa ikaw mutyang paraluman
Walang kasing-ganda sa dagat silangan
Mahal na hiyas ang puso mo hirang
Ang pag-ibig mo'y kay hirap kamtan

Kung hindi taos ay mabibigo
Sa mga pagsuyong iniaalay
Kung hindi taos ay mabibigo
Sa mga pagsuyong iniaalay

Halina, aking mahal
Ligaya ko ay ikaw
Kapag 'di ka natatanaw
Ang buhay ko ay anong panglaw

Halina, aking mahal
Ligaya ko ay ikaw
Kapag 'di ka natatanaw
Ang buhay ko ay anong panglaw

Kung may pista sa aming bayan
Ang lahat ay nagdiriwang
May lechon bawat tahanan
May gayak pati simbahan

Paglabas ni Santa Mariang mahal
Kami ay taos na nagdarasal
Prusisyon dito ay nagdaraan
Kung kaya't ang iba'y nag-aabang

May tumutugtog at may sumasayaw
Mayro'ng sa galak ay napapasigaw
Ang pista sa bayan namin ay gan'yan
Ang saya'y tila walang katapusan

Manunugtog ay nangagpasimula
At nangagsayawan ang mga mutya
Sa mga padyak parang magigiba
Ang bawat tapakan ng mga bakya

Kung pagmamasdan ay nakatutuwa
Ang hinhin nila'y hindi nawawala
Tunay na hinahangaan ng madla
Ang sayaw nitong ating inang bansa

Comments (0)