Nagsimula sa simple na pasulyap-sulyap
Nagpapapansin sa 'yo
Umabot sa palitan ng mga mensahe
Kilig na kilig ako

Kumusta, kain na
Hello, magandang umaga
Ingat ka, pahinga
'Wag kang masyadong magpupuyat pa

Naramdaman ng puso na dahan-dahan
Akong nahuhulog sa 'yo
Sa kada-araw natin na pag-uusap
Meron nang namumuo

Hindi ko na alam
Kung ano ang patutunguhan
Ang hiling ko lang naman
Na itong naramdaman

Sana, sana naman ay
Mapa-mapagbigyan na
At nang mapakinggan
Ang tibok ng puso kong sa 'yo lang

Nara-naramdaman ang
Tunay na kaligayahan
Sana, sana naman
Mapagbigyan ang tibok ng puso, ohh

Ngunit biglang katahimikan
Wala namang matandaan
Na nasabi baka sakaling
Ika'y aking nasaktan

Bigla na lamang
Ika'y 'di nagparamdam
Ako ba'y pinagsawaan
O may ginagawa lang

Sabihin ang totoo
Upang 'di na malito
Saan ba lulugar, hmm

Dahil 'di ko na alam
Kung ano ang patutunguhan
Ang hiling ko lang naman
Na itong naramdaman

Sana, sana naman ay
Mapa-mapagbigyan na
At nang mapakinggan
Ang tibok ng puso kong sa 'yo lang

Nara-naramdaman ang
Tunay na kaligayahan
Sana, sana naman
Mapagbigyan ang tibok ng puso, ohh

Sana'y 'wag nang patagalin
Aminin na rin
Nilalaman ng damdamin
Sana'y sabihin na sa 'kin
Kung meron mang pagtingin
Sana'y ikaw rin...

Sana, sana naman ay
Mapa-mapagbigyan na
At nang mapakinggan
Ang tibok ng puso kong sa 'yo lang

Nara-naramdaman ang
Tunay na kaligayahan
Sana, sana naman
Mapagbigyan ang tibok ng puso

Sana, sana naman ay
Mapa-mapagbigyan na
At nang mapakinggan
Ang tibok ng puso kong sa 'yo lang

Nara-naramdaman ang
Tunay na kaligayahan
Sana, sana naman
Mapagbigyan ang tibok ng puso

Sana, sana naman ay
Mapa-mapagbigyan na
At nang mapakinggan
Ang tibok ng puso

Nara-naramdaman ang
Tunay na kaligayahan
Sana, sana naman

Comments (0)