Totoy bilisan mo bilisan mo ang takbo
Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo
Totoy tumalon ka dumapa kung kailangan
At baka tamaan pa ng mga balang ligaw
Totoy makinig ka wag kang magpa-gabi
Baka pagkamalan ka't humandusay dyan sa tabi
Totoy alam mo ba kung ano ang puno't dulo
Ng di matapos-tapos na kaguluhang ito
Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo
Lumilikasang hininga ng kay raming mga tao
Ang dating munting bukid ngayo'y sementeryo
Totoy kumilos ka baliktarin ang tatsulok
Katulad ng dukha nailagay mo sa tuktok
Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo
Hindi pula't dilaw tunay na magkalaban
Ang kulay at tatak ay di syang dahilan
Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo
Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok
Hindi matatapos itong gulo

Comments (0)