Boy Sullivan – Haring Solomon Lyrics

Halina, aking hirang, tayo ay magkantahan
At kung tapos na ang awitan, tayo ay magkuwentuhan

'Ere kuwento, pakinggan mo, 'no? (Sige nga)
Sa silong ni Kaka, may taong nakadapa (nag-snipe?)
Kaya pala nakadapa, naninilip ng palaka
Palakang may buhok (aba), ngipin ay nakalubog
Kay itim ng kulay, hindi naman sunog (ha-ha)

Ako'y mayro'ng manok galing sa Bocaue
Balahibo'y kulot, mahaba ang butsi (ay, laylay)
Kung ito'y lumaban ay sa hating-gabi
Ang bawat matuka, nagiging butete (tingnan mo nga naman, ano?)

Halina, aking hirang, tayo ay magkantahan
At kung tapos na ang awitan, tayo ay magkuwentuhan

'Ereng mas magandang kuwento, 'ere, tingnan mo (baka hindi?)
Si Haring Solomon (oh), may alagang pagong
May biyak sa likod, parang pinalakol
Kung ito'y maligo, sa umaga't hapon (ba't?)
Kung kaya't malinis, laging sinasabon

Ang pagong na ito'y sobra kung humiling (bakit?)
Gusto pa sa gabi kakain ng saging (ambisyoso)
Kahit s'ya'y busog na'y daing pa nang daing
At ang sabi pa n'ya'y "Isa pa nga, giliw"

Halina, aking hirang, tayo ay magkantahan
At kung tapos na ang awitan, tayo ay magkuwentuhan

Comments (0)